Nagfield trip na sila honey dito nung college sa History subject nila.
Ako naman di pa nakakapunta dito. Sa Calamba & Batangas kasi kami nun nagfieldtrip dati.
So ayun, napagtripan pumunta sa may Binondo para kumain lang ng lunch!
Ang init init naglalakad lakad kami para hanapin, nalimutan kasi ni honey kung nasaan.
Kumain kami dun sa kinainan nila nung nagdieldtrip sila, naku forgot the name! ><
In fairness, madami naman kumakain ha at ang dami pa ng mga crew as in OA sa dami
At ang mahal naman 1 serving of sweet and sour pork P165!! 0_0
Next stop, sa bilihan ng hopia – Eng Bee Tin.
Uuwi ako sa Laguna kinabukasan kaya bumili ako ng ipapasalubong dito.
And mas madami ung binili namin na favorite flavor ko: UBE (^_^)


