Banchetto @ Ortigas

Lately ko lang nalaman na may “Banchetto”. Yung isang part sa Emerald Ave ay sinasara para sa mga stalls.
Ang saya magfoodtrip dito. May finger foods, may sweets, may grills, mga traditional agahan and more.
Every Friday 12AM-10PM ng Sat.

more info on www.banchetto.multiply.com

Vegan Haus

Buti na lang dinala kami dito ng mommy ni mike at for sure dito ko na ggustuhin tumambay sa weekend hehe at mamili ng healthy fud. Nakita ko ang pledge ng vegetarian at naku di ko kaya maging full pledge vegetarian.
No to chocolates? di ko kaya yun ;(

Pumunta pala dito ang mom ni mike dahil nabalitaan daw niya na marami ang gumagaling sa Miracle Tea at LiveGreen ni Dr. Tam.
He was also featured in Salamat Dok.

Veggie Spag

Veggie Siopao – may veggie meat sa loob

Pineapple juice at Sugar Beets Juice

Talbos ng Kamote

Veggie Meat – lasang Kikiam

They offer free health seminar. May tinda din dun tinapay and organic veggies.

Chocolat @ MOA

Bibili sana kami ng Imax tix for Transformers kaya lang di pala siya 3D kaya di na lang sa Ulta7 na lang.
Ayun nung pauwe kami nakita namin ang mapangakit na mga chocolate kaya pinagbigyan ang taste buds.
Masarap xa, ma-moist2x ganun ung mga gusto ko. Dark Tablea slice yung binili namin yun daw kc ang best seller.

Meron silang site sa multiply.

Cabanatuan Cakeland

Sa SCTEX kami dumaan akala namin sa may Baliuag, matrapik daw kc dun kaya need daw dun dumaan, bago lang ba ang SCTEX? Di ko xa maalala nun last punta ko ng Baguio. Ang layoo pala pero ok lang sanay naman na kami ni mike. Yung paLuisiana nga lumalagpas pa ng 3 hours. First punta namin dito last Mar28 then nasundan ng May at lately June.

Churi naman wala ako pic ng mismong store kc pinabili lang siya. The first time ko matikman yung cheese rolls, yummyness talaga, nagsearch ako sa net at sikat pala ang Cakeland sa Cabanatuan. kaya nagpabili na ko ng isang box nung next namin punta. Next talaga ppuntahan na namin yung mismong store.