Sa Libis branch lang available yung free cake coupon when you buy meal w/ drinks.
Binalak namin sadyain ang “Nothing But Laundry”, kaso nalagpasan naman namin so aun napunta tuloy kami sa “Dirt Buster” pero okey lang kasi mas mura, P25 per kilo, yun nga lang walang pickup at delivery.
Tapos nagdinner na din kami sa Red Ribbon para lang talaga matagal.
Inavail namin yung free cake, Red Velvet – favorite ko na ito!! hindi kasi ako nauumay at parang kaya ko umubos ng junior size pag Red Velvet!
2 slice ng cake ang nakain ko. oo 2 slice! (hikbi, hikbi)
Ang Plano: Mawala ng buong araw para di naman masita ni manong guard sa technoplaza one parking.
Since maggrocery rin lang, sa megamall na lang kami nagtungo.
Kabubukas lang, pagkakataon na pumunta sa Paotsin na hindi mahaba ang pila!!!yehey! Ang OA naman kasi, sa tuwing binabalak namin kumain d2, ang OA ng pila!
Ayon naglakad-lakad at matagal na naggrocery. Di na pala kami maxado nakapagpicture2x.
Inaliw ang sarili sa National bookstore, concorde, comic alley at department store, kumain ng donut at greenwich… cyberzone, games & gadgets…
until 5pm And so nagsawa na kami sa megamall, pumunta naman kami sa Tiendesitas para kumain sa Archie’s barbecue at tulad ng dati ang sarap2x talaga ng pork bbq nila! Tapos, naglibot-libot din dun.
kakapagod! next time payparking na lang allday sa may eastwood!