Gloria Jeans Coffee

After maggrocery sa Shopwise Cubao, dito na kami nagdinner katabi lang ng Entrance dahil ang lakas ng ulan! may bagyo ata.
Nagkamali ng bigay sa order ko huhu, yung adobo pandesal naging tuna pandesal ;<
Parang feeling ko dapat yata bumili na lang ako ng Mister Donut sa may kabila.
Hmmm, for us ni honey mas type namin ang Ice Blended sa Coffee Bean compare sa Mocha Blends at Gloria Jeans.

Mocha Blends

May pasok dapat ngaun pero kami ni honey planado na magsakitsakitan na lang haha!

Aun sa Mocha Blends kami naglunch, mjo di pa naman ganun kagutom si honey ako lang, tsaka bumili pa kami ng 2 misterdonut. Order kami ng 1 sandwich & 1 iced mocha… hmm mas masarap pa rin ang Ice Blended ng Coffee Bean for me! Hehe nakakatuwa kasi super assuming naman yung waiter na share kami (actually share nmn talaga kami ni honey sa food) eh kasi di man lang siya ask basta na lang 2 straw un nilagay niya tsaka nagbigay ng extra plates pa. hehe

MAulan sa labas actually bakit kaya nag ice drink pa us hehe

Subway

OT si honey kaya dinner lang kami d2 then balik na agad sa ofis.

maliit lang naman yung subway sa Excelsior – 6 tables lang ata!

order namin ni honey yung half sandwich lang ang laki naman kasi maxado if whole

Binondo Experience

Nagfield trip na sila honey dito nung college sa History subject nila.
Ako naman di pa nakakapunta dito. Sa Calamba & Batangas kasi kami nun nagfieldtrip dati.

So ayun, napagtripan pumunta sa may Binondo para kumain lang ng lunch!
Ang init init naglalakad lakad kami para hanapin, nalimutan kasi ni honey kung nasaan.
Kumain kami dun sa kinainan nila nung nagdieldtrip sila, naku forgot the name! ><
In fairness, madami naman kumakain ha at ang dami pa ng mga crew as in OA sa dami
At ang mahal naman 1 serving of sweet and sour pork P165!! 0_0

Next stop, sa bilihan ng hopia – Eng Bee Tin.

Uuwi ako sa Laguna kinabukasan kaya bumili ako ng ipapasalubong dito.

And mas madami ung binili namin na favorite flavor ko: UBE (^_^)

Air Supply Concert

June 14, 2008

Nung makita agad namin sa tv na may concert dito ang Air Supply sa Araneta lang , nagpareserve kami kaagad ng ticket. Saya-saya!

Kumanta pala muna si Charisse sa umpisa, yung kinanta niya sa Oprah.
Andun sa front row sila Imelda Marcos (nagpapicture sa kanya ung mga tao habang di pa naguumpisa), parang nakita ko rin si Mike Enriquez.
Hay… ang galing at ganda talaga ng boses nila!!!